Friday, September 16, 2011

First step

Alam ko na kung kelan ang exam date ko for BASAP. Ang next step ko ay dapatmag review.Average girl lang naman ako, at alam ko naman na hindi basta basta makapasa sa isang scholarship program. Never ko pang na try mag exam for scholarship kaya wala akong ideya talaga. Naisip ko na maghanap ng website o libro na reviewer kaso wala pa akong panahon para maghanap. Kaya magbabasa na lang muna ko ng inspirational book(for me). The Last Lecture. I read this before but now this will help me to be motivated & achieve my dream to have a bachelor's degree. This book was given by my previous pastoring. Randy Pausch I know you're with our God now but still you inspired me. Saint Benilde please help me. Thanks.

Wednesday, September 14, 2011

berde?

Nangarap ako na mag aral ulit. Hindi ko na lang ito nasakatuparan agad dahil 12 hours ang duty ko. Last year naalala ko may isang araw dun na gusto ko na talagang mag-aral. Naghanap ako sa internet ng merong night school and scholarship. At anong site ang nakita ko? De La Salle-College of Saint Benilde. Pero natapos na pala ang application period kaya nag antay ako mag july this year para makapag apply ulit. salamat na din sa kaibigan kong si Iris at marami din akong nakuhang impormasyon about that school.


It is on! Alam ko na hindi ko naman kaya na magbayad sa school na yan kaya umaasa ako na makapasa ako ng scholarship. Swerte pa dahil importanteng araw para sa akin ang exam date ko. Lord, yun na lang po ang hihingin kong regalo. Ang makapasa sa exam para sa BASAP.

Tuesday, September 13, 2011

Premiere

Hindi naman talaga ako mahilig magsulat. Pero mahilig akong magkwento ng buhay. Naisip kong magblog ulitpara kahit papaano may babalikan pa akong kwento sa nakaraan, Hindi ko alam kung may makakabasa nito, sana wala nalang. Labo ko no.

Malabo na ang paningin ko, panahon na para magapagawa na ng salamin. Pero sa estado ko ngayon hindi ko pa kaya magpagawa basta basta. Pasalamat ako sa Diyos dahil binigyan nya akong mababait na mga magulang. Alam ko, hindi lang ako ang maswerte sa mundo pero masaya pa din ako.

Congrats nga pala kay Ms. Universe 3rd runner up Shamcey Supsup. Pagkarinig ko ng sagot mo, alam ko na ikaw ang panalo. Hindi man ang makuha ang crown pero panalo ka sa pagmamahal mo sa Diyos. congrats girl! low quality