Wednesday, September 14, 2011

berde?

Nangarap ako na mag aral ulit. Hindi ko na lang ito nasakatuparan agad dahil 12 hours ang duty ko. Last year naalala ko may isang araw dun na gusto ko na talagang mag-aral. Naghanap ako sa internet ng merong night school and scholarship. At anong site ang nakita ko? De La Salle-College of Saint Benilde. Pero natapos na pala ang application period kaya nag antay ako mag july this year para makapag apply ulit. salamat na din sa kaibigan kong si Iris at marami din akong nakuhang impormasyon about that school.


It is on! Alam ko na hindi ko naman kaya na magbayad sa school na yan kaya umaasa ako na makapasa ako ng scholarship. Swerte pa dahil importanteng araw para sa akin ang exam date ko. Lord, yun na lang po ang hihingin kong regalo. Ang makapasa sa exam para sa BASAP.

No comments:

Post a Comment